Issuances Summary
Vulnerable Groups

Pag-prioritize sa mga PWDs sa Relief Goods Distribution

highlight-checkmark

Dapat unahin ng mga LGU ang mga PWD kapag nagbibigay ng relief goods.

highlight-checkmark

Dapat siguraduhin ng mga LGU na sapat ang natatanggap na relief goods ng mga PWD.

highlight-checkmark

Dapat siguraduhin na makakatanggap ng tulong ang mga PWD kapag may emergency.

Ayon sa DILG, ang mga PWD ang isa sa mga sektor na pinakanahihirapan ngayong enhanced community quarantine dahil sa kanilang condition, kaya sila ang dapat na unang bigyan ng food packs, medicines, at vitamins.

Ililista ng mga barangay workers kung sino ang mga PWD sa kanilang barangay. Ipapasa ng barangay captains ang listahan sa mga mayor, at sila naman ang magpapasa nito sa mga gobernador. Ipapasa ng gobernador ang data sa DILG para ipagsama-sama ang mga reports.

Dapat siguraduhin ng mga LGU na sapat ang kinakain ng mga PWD. Dapat din nilang pahintulutan ang mga PWD na gamitin ang mga sasakyan ng barangay kapag may emergency.

Memorandum Circular
OPEN
This project is supported by The Asia Foundation in cooperation with the Department of the Interior and Local Government.
Experience designed by Limitless Lab.