Highlights
Mainam na makipagtulungan sa DSWD at sa iba pang government agencies na nabanggit upang maayos na maiplementa ang mga programa.
Maaring tignan ang Facebook page at Twitter account ng DSWD para sa mga updates tungkol sa Social Amelioration Program.
Overview
Nasa Code Red Sublevel 2 na ang Pilipinas ngayong COVID-19 pandemic. Dahil dito, nagdeklara ang gobyerno ng enhanced community quarantine sa Luzon. Naapektuhan ang hanapbuhay ng ilang mga manggagawa.
Ang Department of Social Welfare and Development, sa pakikipagtulungan ng iba pang mga government agencies, ay magpapatupad ng social protection programs, projects, and services upang matulungan ang mga vulnerable sectors.
Ang mga beneficiaries ng programang ito ay ang mga senior citizens, solo parents, persons with disabilities, distressed Overseas Filipino Workers, indigent Indigenous Peoples, underprivileged sector at homeless citizens.
Ang ilan sa mga programang ilulunsad ay ang pagbibigay ng Php 5,000 - Php 8,000 kada buwan sa mga household beneficiaries, pagkakaroon ng capacity building programs para sa mga vulnerable sectors, at pagbibigay ng financial assistance sa mga may kabuhayang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Mayroon ring mga Social Amelioration Forms na ipinapamahagi sa mga beneficiaries, ngunit ito ay hindi pwedeng ipa-photocopy dahil ito ay pre-numbered at barcoded na ng DILG.
As of April 18,2020, ayun sa DILG, kasama na rin ang mga pamilya ng mga barangay tanod at barangay health workers sa SAP.
Required ang mga barangay captain na i-post ang listahan ng mga SAP beneficiaries sa barangay hall. Kapag hindi pa naka-post ang SAP beneficiaries sa inyong barangay hall, maaari niyong i-report sa bantaykorapsyon.dilg@gmail.com or gamitin ang reporting page na ito.